Category Archives: fatherhood

Dear Renee

Vote Kabataan Partylist: Visit our party website.

Happy birthday my sweet cheeky little darling! Thank you for making life more meaningful. Thank you for the giggles, hugs, kisses and affection you give to us everyday. You are our eternal source of pride and delight.

I always boast to my friends that I have a very beautiful, lovable and intelligent child. You are a quick learner. You are interested in so many things. You love to read so many illustrated books. You always want to paint, play the piano toy and read the alphabet. You are fascinated with jollibee, barney, captain hook and pooh. You enjoy swimming and strolling in the malls.
You have a big appetite for legumes, egg white, choco drink and pasta. Sometimes, you are satisfied with eating lots of rice.

You already know how to use the potty trainer, remote control and computer mouse. You insist in getting your own drinking water from the water dispenser. You volunteer in using your mom’s lipstick and face powder. You relish posing for the cameras.

Anak, you cry often. You cry in public places which can be very embarrassing. But I’m not annoyed. How can I be mad at you? You are my angel. Besides, you know very well how to make me smile. Its music to my ears everytime you cry out my name. It’s always a calming moment when you reach out for me and hold my face in your hands. Every morning, it has become your habit to remind me to take my vitamins. I’m amazed by your cute vanity since you can be entertained by showing your baby pictures.

My fear is you are growing up too fast that we may not always be there to guide you in every step of life. Every child wants to have his/her freedom from the protective company of parents. I wish I could freeze time so that you will remain our cute baby Renee. But that is impossible. That is also unfair. You will have your freedom. You will have your reason to resent us, your parents. At this early, you are already eager to be out of the house in order to play with your friends and ride your mini bike. Soon, you will desire moving in your own house.

Renee, I want to say sorry for the many days I am away from you. I’m sorry I couldn’t go home earlier most of the time. If you only knew how much I always yearn to be with you and your Mom. I feel guilty everytime I am far from you (I’m in Daraga, Albay today). I feel disappointed everytime I am unable to stop you from crying.

I’ll be away more often in the next three months. Election campaigning will force me to spend less time with you. I do not object talking to ordinary people and young leaders of the land. They are sensible people. But I do detest talking to some politicians and other noxious individuals (which may include the young, misinformed, pompous trapolitos) since I could have spent my precious time with you.

Renee, running in the elections is difficult. My political party only has meagre resources to mount a nationwide campaign. I am forced to steal from our family savings. (Didn’t you notice the inferior diaper brand I bought last week?). But lack of money can be solved by employing creative means of campaigning. What is really worrisome is the nature of elections in our country. It is violent. It is barbaric. It is anti-poor. I have many comrades who have been killed by unknown (coward) assassins. Leftist leaders are being persecuted. My group was recently labelled as a ‘communist front’ by the national security adviser.

Renee, elections is a season of mudslinging. Perhaps, there will be malicious accusations that will be hurled against my group. I can only assure you two things, which by the way have been dramatically said before: 1) Your Papa is not a pig; 2) Your Papa is not for sale.

Lastly, anak, don’t believe in the teasing of your Mom that you are already too old to breastfeed. It is good for your health and it saves us money. Just don’t bite too hard.

Renee, we love you. Happy birthday!

Related entries:

A father’s lament
Newborn
24 Oras: Kahit palaging tulog ang bata

Advertisements

Puwera usog

Mahirap tanggihan ang nakatatanda pagdating sa pagsunod sa mga pamahiin. Bakit nga naman sila hindi pakikinggan kung mabuti naman ang kanilang hangarin? Sa pagpapalaki ng bata, gabay namin ang payo ng mga doktor, kaibigan, instinct, kamag-anak at kabilang na ang sabi-sabi ng matatanda. Hindi man ako naniniwala sa pamahiin, kung hindi naman ito ikamamatay ng aking anak, sino ako para insultuhin ang mga taong nagmamahal sa aking pamilya?

1. Kailangang lawayan ng mga bumabati ang paa ng bata. Pinakapopular na pamahiin na ginagawa kahit sa mga may edad na. Hindi kailangang bumati para makausog, basta tiningnan ang bata ng mga taong gutom, pagod at malakas ang usog, naku hahabulin ang kawawang tao para piliting lawayan ang bata. May tinatawag silang mangkukulam, mga matatandang babae na malakas talaga ang usog.

2. Pulang bagay sa damit ng bata. Nilalagay ito sa mga batang mataba at cute (tulad ng anak ko) para dito mapunta ang bati ng mga tao at hindi mausog ang bata.

3. Tuyong ulo ng kalabasa sa damit ng bata. Nilalagay ito kapag lima o anim na buwan na ang bata para daw hindi mahirapan sa pag-iipin.

4. Bawal magsalamin ang sanggol. Hindi ko alam kung bakit.

5. Bawal maligo sa araw ng Biyernes. Hindi namin ito sinusunod, baka bumaho si baby eh.

6. Bawal magbiyahe ang hindi pa nabibinyagang bata. Basta raw hindi malayo, walang problema kung ipasyal sa mall o kung saan pa man.

7. Bawal kalbuhin ng isang taon. Ewan ko kung bakit. Baka siguro papanget ang baby kapag kinalbo.

8. Unang ginupit na kuko ilagay sa holy water ng simbahan. Para daw maging mabait na kristiyano ang bata. O kaya ilagay daw sa bibliya. Kaya pala madumi ang holy water ng simbahan.

9. Unang ginupit na kuko o buhok ilagay sa libro para maging matalino ang bata. Paano kapag sa FHM naipit ang kuko o buhok? O kaya sa opinion page ng Philippine Star? Huwag naman po.

10. Gupitin ang pilikmata para humaba at gumanda. Hindi ito pamahiin, hindi ko alam kung ano ang batayan ng aking asawa.

11. Himas-himasin ang ilong para tumangos. Lalo na kapag parehong pango ang magulang, hehe.

12. Pag-uwi ng pagod na nanay mula sa trabaho, dampian ng mainit-init na bimpo ang suso para lumabas ang maduming gatas. Ipahid ito sa bata para kuminis daw ang balat. O daddy, huwag agawan ang bata.

13. Bawal pigain ang lampin ni baby kapag nilalabhan. Para daw hindi masira ang tiyan ng bata.

14. Bawal magsuot ng may kulay na damit sa mga unang buwan ng bata. Baka daw kasi hindi bagayan ng kulay kapag lumaki na ang bata. Eh paano kapag ang mga bigay na damit ng mga kaibigan at kamag-anak ay may kulay?

15. Dapat may nakabukas na radyo sa tabi ng natutulog na sanggol. Para daw matutong matulog ang bata kahit may kaunting ingay sa paligid. Pagkakataon ito para pakinggan ng baby ang musika ni Mozart, Bach at iba pang klasikong musika na tumutulong sa pagpapatalino ng bata.

16. Pagkatapos ng binyag, kailangang itakbo palabas ng simbahan ang bata at dapat mauna sa iba. Para daw hindi mahuli ang bata sa hinaharap sa anumang karera na kanyang pinili.

Masaya magpalaki ng bata. Marami tayong nakakatuwang kaugalian na mahirap intindihin pero madali naman sundin. Basta ang mahalaga, malusog si baby, regular ang bakuna, araw-araw dumudumi at tuluy-tuloy ang breastfeeding.

Dadedidodu

Mababaw ang kaligayahan ng mga magulang. Kahit anong gawin ng mga sanggol ay ikakatuwa ito ng mga nanay at tatay. Masarap gumising sa umaga at makita ang iyong anak na nakatitig sa iyo at ngumingiti. Eh ano kung alas-singko lang ng madaling araw at kailangan mong kausapin at kargahin ang iyong supling kung ang kapalit naman nito’y mahimbing na pagtulog ng bata.

Paranoid ang mga magulang. Kaunting iyak lang ay mabilis ang iyong pagtugon sa pangangailangan ng sanggol. Gutom ba siya, inaantok, nahihirapang dumumi, may kumagat na lamok o gusto lang magpabuhat sa labas ng bahay? Kahit ang asawa ko ay hindi ako maabala kapag nasa harap ako ng kompyuter. Pero kapag ang baby ko na ang umiiyak, kahit nasa kalagitnaaan pa ako ng pagbabasa ng mga sanaysay ni Arundhati Roy ay diretso ako sa crib ng aking anak.

Kahit kapos ang badyet, gagastos ng malaki para sa bata ang mga magulang. Mahal ang diaper, gatas, bakuna, gamot, baby wipes, wilkins mineral water at lactacyd pero kailangang maglaan ng pera para dito. Palagi ka ring bisita ng mga mall sa paghahanap ng mga laruan o damit na bagay sa iyong anak.

Mayabang ang mga magulang. Bawat detalye ng paglaki ng bata ay palagi mong naibabalita sa mga kamag-anak at kaibigan. Ipinagmamalaki mo ang mabilis na pagbigat ni baby, ang mga dimples niya, ang hilig niyang magpapasyal sa labas at ang matakaw na pag-inom ng gatas. Halos linggo-linggo ay may bago kang litrato na ilalagay sa internet o ipapadala sa mga kaibigan.

Ganito ang maging magulang. Nakakaadik, nakakatakot pero di mapapantayan ang kaligayahang ibinibigay sa iyong buhay.

A father’s lament

Excuse the cynical and pessimistic tone of this article. This was a hasty reaction to the Makati bombing while I was at the hospital last month….

I dread the day my daughter would ask me what was happening in the world on the day she was born. Would I tell her that while she was struggling to get out of her mother’s womb, innocent people died after terrorist bombs exploded in different parts of the country? How would she react if I let her know that the euphoria we felt when she was born was not shared by our fellow Filipinos in Jolo and Sulu caught in the crossfire between military and Moro rebels?

Would it help if I explain that even at the time of my birth, such is the state of affairs in our land? But that would mean we are such a stubborn and war-mongering race.

Well, my fears could be premature. At the rate of our propensity to make things worse, my daughter might grow up under the same spiteful and violent temperament of those in power. Perhaps the situation might worsen to a point when people will have little or no recollection of an unperturbed world.

We have lost the moral right to inhabit this beautiful planet because of our dirty and diabolical activities which can annihilate all that is good and living. The world according to schools is only the sanitized version of an otherwise nasty, ugly and cruel place to live. Textbooks depict the society through the looking glass of disney films. Children is given a bite of reality the hard way outside the schools where crooks and hooligans abound.

We are running out of sanctuaries that can provide refuge to people seeking solace from the harshness of the world. Even the Church has squandered its claim as the moral bastion of the land. Fleeing the country is an option but friends would be quick to remind that all things considered, our society is still the most friendly place on Earth.

A British historian described the 20th century as the age of extremes. Democracy and dictatorship flourished. Communism and capitalism pitted against each other. Science boomed, religion waned. Wealth was appropriated by the few while mass poverty engulfed the globe.

How about the 21st century? Would it go down in history as the age when man will lose all affinity with social institutions preferring to live alone and isolated from mainstream society? Would man turn its back on the rational world which can only boast of a degenerate society?

I grew up having faith in my fellow men to do good but this is quickly being eroded with each passing day.
We seem to be incapable of fostering goodwill and we condone the wicked values of man. We abandoned decency and peace in order to embrace hate. We pollute the minds of the young by glorifying their adoption of the adult’s evil mindset.

Like any other parent, I want to shield my daughter from all the scourges of evil in our society. But how would I accomplish this without exposing her to the moral decay of man and its effect on the community? As part of the cursed society of man, I fear I might afflict her with the madness sweeping the land.

Oh what tragedy if my daughter would grow up us one of us! Her innocence lost and a human desensitized to pain, suffering, poverty and violence.

24 Oras: kahit palaging tulog ang bata

7:00am painitan ang bata sa araw ng 30 minuto; huwag lalagpas ng 8am dahil masama na ito sa balat.

8:00am oras para uminom ng gatas; nakakatakot ang pag-iyak ng bata sa umpisa, gutom na siya kapag binubukas niya ang kanyang bibig nang madalas

9:30am paliguan ang bata; bihisan ng manipis na damit dahil mainit ang klima, gumamit ng lampin o ng chino pino para maiwasan ang baby rash

10:00am palitan ang basang diaper; mahiya sa bata, mag-alcohol

10:30am tumulong sa paglilinis ng sugat o tahi ng asawa, piliting huwag himatayin kapag nakakita ng dugo

11:00am oras para uminom ng gatas; huwag kalimutang bigyan ng tubig ang nanay na magpapasuso ng anak, huwag bigyan ng problema ang nanay

1:00pm palitan ang basang diaper na may pupu; huwag magalit kung biglang dumumi ang bata habang karga-karga mo

2:00pm palitan ang basang diaper; humanap ng murang baby wipes, pwedeng lagyan ng baby oil ang singit ng bata para luminis

3:00pm oras para uminom ng gatas; tumulong sa pag-iipon ng gatas gamit ang breast pump, i- sterilize muna ang bote ha

4:00pm palitan ang basang diaper; makipaglaro sa bata kung gising, pagmasdan ang sanggol at mamangha sa mumunting biyaya ng buhay

5:30pm oras para uminom ng gatas; patulugin ang nanay para bumawi ng tulog at lakas

6:00pm palitan ang basang diaper; maglagay ng flashcard na may kulay pula-itim-puti sa harap ng sanggol, ayon sa mga pag-aaral makakatulong daw ito para bumilis ang pagdebelop ng paningin ng bata

8:00pm oras para uminom ng gatas; himas-himasin ang ilong para tumangos ayon sa mga matatanda

9:00pm palitan ang basang diaper, disposable na ang gamitin para hindi maistorbo ang tulog ng bata

10:00pm oras para uminom ng gatas; kargahin ang bata pero huwag sanayin, sapat na ang duyan, lagyan ng kulambo para hindi kagatin ng lamok o anumang insekto ang bata

1:00am oras para uminom ng gatas; kahit gaano na kahimbing ang tulog mo, gigisingin ka ng iyak ng nagugutom na bata

3:30am oras para uminom ng gatas; magkunwaring hindi naririnig ang iyak ng bata para ang asawa ang bumangon, ang sama ko no?

6:00am oras para uminom ng gatas; simulan ang bagong umaga sa pagkausap sa iyong anak

Newborn

Name of baby: Renee Elle Bondoc Palatino
Date of birth: Pebrero 16, 2005
Time of birth: 4:58pm
Weight: 8.38 lbs
Length: 50 cm

Naglagay ako ng mga litrato ng aking bagong silang na anak sa http://community.webshots.com/album/215967722dmMnju/1

False alarm

Unang dinala si Meann (ang aking asawa) sa Philippine General Hospital noong Enero 22 dahil nagdischarge siya ng dugo. Pero pinauwi rin kami dahil normal spotting lang daw ito. Sa mga susunod na linggo ay palagian ang paghilab ng kanyang tiyan at vaginal discharge pero di pa rin lumabas ang bata.

Admission

Malapit ng mag-overdue si Meann kaya nag-iskedyul ang aming duktor na i-admit na siya sa PGH nung Pebrero 14. Nakakuha kami ng kuwarto pagkatapos ng matagal, mahaba at maraming pila. Wala naman akong pagdududa na sa PGH manganak si Meann dahil para sa akin, nananatili itong pinakamahusay na ospital sa bansa.

Sa PGH, kumpleto ang pasilidad at mga ispesyalista. Dito may pag-asa ang mahihirap na makakuha ng disenteng serbisyo kumpara sa ibang pribadong ospital. Dapat bigyan ng prayoridad ang kalusugan sa pagbabadyet ng pamahalaan para mawala na ang nakakalungkot na pag-iiba ng pasyente sa charity at pay.

Labor

Tatlong araw nag-induce labor si Meann kaya matagal-tagal din akong nasa ospital. Ayoko pa naman ng amoy ng kahit anong ospital: yun bang parang bagong laba na damit na may halong simoy ng punerarya, malinis para takpan ang mga depektong katawan ng tao na nagpapagamot dun.

Maraming taga-Diliman na intern o resident na ngayon sa PGH. Yung iba nakasama ko pa sa mga rali. Yung mga attending physician ni Meann sa Labor Room ay batchmate niya sa UP Manila.

Nakangiti o kaya naman ay payapa ang mukha ng mga nakasalubong kong mga tao sa ospital. Marahil, tulad ko, pilit silang nagtangkang maglabas ng matapang na postura para itago ang nararamdaman nilang pangamba at pag-aalala (sa pasyente at gastos).

Nakatulong ang bisita ng mga kamag-anak at kaibigan para maibsan ang tensiyon. Nakakatuwa ang payo ng ilan: kailangang umalis daw ang lalaki sa ospital para manganak ang babae, pausukan daw ang buntis ng sinulid na puti, sinulid na itim, abaka at lagyan daw ng pusit. Mayroon pang nagdala ng hilaw na itlog at salabat para maging normal daw ang panganganak.

Tuwing agahan at tanghalian ay bumababa ako sa corridor ng operating room para pakainin si Meann. Paminsan-minsan ay may dumadaang stretcher na puno ng dugo ang tela o kaya may ooperahang pasyente. Haay, ang sarap kumain kapag ganun ang nakikita mo!

Newborn

Sobrang laki ng bata kaya imposible ang normal operation. Alas-sais ng gabi nang pinababa ako sa nursery para magdala raw ng diaper at gatas. Pagpasok ko sa kuwarto ay bitbit ng isang nurse ang isang sanggol na may makapal na kilay at matatabang hita. Lukso ba ng dugo o tamang hinala lamang pero alam kong anak ko na yun.

Noong hatinggabi ay pinagmamasdan ko ang ang aking mag-ina sa kuwarto. Ligtas na sila at sapat na ito para mahimbing ang pagtulog ko. Gayunpaman, ang kaligayahan ng isang bagong ama ay may kakabit na takot din. Nang hinele ko ang aking anak, at ingat na ingat ako dahil baka mabagsak ko siya, ay binalutan din ako ng kakaibang tensiyon. Natukoy ko lamang kung ano ito nang tumawag ang aking ama at tinanong niya ako kung ano ang pakiramdam ng isang tatay. Sinagot ko siya na natatakot ako. Patawa niyang sinabi na ngayon daw ay alam ko na kung ano ang nararamdaman niya.

Nakakawala ng pagod kapag hawak mo ang isang sanggol, lalo na kung anak mo ito. Di mo lang talaga maiiwasang tanungin ang iyong sarili kung handa ka na bang gampanan ang papel ng isang butihing ama? Nakasalalay ang buhay ng isang bagong nilalang sa iyong mga kamay at kung magkakamali ka ay apektado rin ang buhay ng iyong supling. Hindi ba nakakatakot yun?

Guilt

Kailangang maglaan ng maraming oras sa isang bagong sanggol dahil marami itong pangangailangan. Hindi kaya ng babae na bagong panganak ang magtrabaho at mag-asikaso sa bata. Dapat ang ama ay katuwang sa pagpapalit ng diaper, pagpapadighay sa bata, pagpapaligo at paglalaba ng mga damit. Kaya tatapusin ko na itong sinusulat ko dahil “ninakaw na sandali” lamang ang pag-iinternet ko at kailangan ko na talagang magtimpla ng gatas.