*Talumpating binigay sa Regional Education Summit ng Southern Tagalog, Enero 31, 2008, UP Los Baños.
Magandang umaga sa inyong lahat! Hindi na ako bagong bisita ng Regional Education Summit ng Southern Tagalog. Taun-taon kasama ninyo ako sa pagtitilad ng samu’t-saring problema ng sektor ng edukasyon sa bansa. Taun-taon hinahapag natin ang ating mga panukalang reporma upang hanguin ang edukasyon mula sa pagkakalugmok nito sa kasalukuyan. Ako ay nagpapasalamat at patuloy ninyong pinagkakatiwalaan ang aking mga opinyon.
Nakapagtataka’t mayroong krisis sa edukasyon. Sabi ng ating magulang, ang kanilang pamana sa atin ay magandang edukasyon. Banggit ng ating mga guro, edukasyon ang susi sa kaunlaran. Tuwing eleksiyon halos lahat ng mga pulitiko ay edukasyon ang kanilang nangungunang plataporma. Kapag pinag-uusapan ang pambansang badyet, o pork barrel, laging palusot ng gobyerno at mga mambabatas na edukasyon daw ang kanilang pangunahing prayoridad.
Pero bakit sa kabila ng abot-langit na pagtatangi sa edukasyon, mababa pa rin ang kalidad ng pag-aaral sa bansa? Ano itong nirereklamong kakapusan ng edukasyon na tugunan ang pangangailangan ng ating lipunan? Bakit marami ang di nakakapag-aral? Bakit may mga Marianette Amper na lumiliban sa mga eskuwelahan?
Naniniwala ako sa pahayag ng mga ekonomista, burukrata, iskolar, guro at mga aktibista na may krisis, may malubhang problema ang sektor ng edukasyon. Lahat naman ata ay nagkakaisa sa argumento na kailangang iligtas ang edukasyong Pilipino.
At dahil may iisang hatol sa kalidad ng edukasyon, lahat ng inisyatiba upang paunlarin ang edukasyon sa bansa ay malugod na tinatanggap, dinadakila, at ginagalang. Gayunpaman, hindi lahat ng pinapatupad na reporma ay nakakabuti. Hindi lahat ay epektibong natutumbok ang ugat ng krisis.
Halimbawa, mababa ang kalidad ng pagtuturo sa Math at Science. Ang sagot: Cyber Education Program? Kulang-kulang ang pasilidad ng mga pampublikong paaralan. Ang solusyon: ibenta ang ari-arian ng mga eskuwelahan, isapribado ang mga pamantasang pampubliko? Walang makuhang trabaho ang mga bagong graduate. Ang tugon: gamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa lahat ng lebel ng edukasyon.
Oo, may krisis ang edukasyon. Pero hindi nangangahulugang dapat nating bulag na tanggapin ang lahat ng mga panukalang reporma ng mga grupo’t indibidwal mula sa pribado o pampublikong sektor. Dapat maingat nating suriin ang mga solusyon na kanilang nirerekomenda. Baka mamaya ito pa ang dahilan upang higit na masadlak sa kawalang pag-asa ang edukasyon sa Pilipinas.
Napakamakabuluhan ng ating pagtitipon ngayon. Kasabay ng ating aktibidad ay ang National Education Summit na pinatawag ng Malakanyang. Ito ay ginaganap sa Manila Hotel. Buti naman at kinikilala ng pamahalaan ang pangangailangan na ayusin ang edukasyon sa bansa. Pero natitiyak kong mabibigo ang summit nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magbuo ng mga susing reporma na magpapabuti sa kalagayan ng edukasyon.
Paano nila ito gagawin eh panay mga kapitalista-edukador ang kanilang kaharap? Paano tapat at matapang na mapag-uusapan ang mga bumabagabag sa mga eskuwelahan eh samantalang duwag namang harapin ang simpleng public hearing ng Senado ukol sa kontrobersiya ng ZTE broadband project? Bakit ba ginagawang bagsakan ang Deped, Ched at Tesda ng mga trapo at mga retiradong pulitiko? Paano magiging solusyon ang summit samantalang ang keynote speaker, si Pangulong Gloria, ay siya mismo ang dahilan kung bakit bagsak ang grado ng edukasyon sa bansa.
Pangunahing pananagutan ni Arroyo ang pagbulusok ng kalidad sa edukasyon. Nitong nakalipas na pitong taon, lalong lumubha ang kalagayan ng edukasyon. Dahil sa taunang pagkaltas ng badyet ng mga eskuwelahan at ang pagbibigay ni Arroyo ng laya sa mga pribadong paaralan na maningil ng matataas na matrikula, dumami ang mga kabataang hindi makatuntong sa kolehiyo.
Kinikilala ng Saligang Batas ang mahalagang papel ng kabataan sa pag-unlad ng lipunan. Itinatalaga sa Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.”
Ngunit dalawa’t kalahating milyon lamang ang nag-aaral sa kolehiyo na dapat sana ay walong milyon, 10 milyong kabataan ang nabibilang sa kategoryang out-of-school youth, at 12 milyon ang kabataang manggagawa. Isang milyong kabataang Pilipino naman ang umalis ng bansa noong nakaraan taon upang magkaroon ng higit na mabuting kabuhayan.
Pangunahing problema ng kabataan ang palpak at elitistang sistema ng edukasyon. Komersyalisado, kapos ang badyet na inilalaan ng gobyerno, pasista at tumutugon sa pangangailangan ng dayuhan ang kinakatangian ng edukasyon sa bansa.
Ito ang dahilan kung bakit mababa ang kalidad ng karunungan sa mga eskuwelahan. Ito ang may kasalanan kung bakit maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral. Ito ang nagbubunsod sa ating mga propesyunal na mangibang-bayan upang mapakinabangan ang kanilang kasanayan.
Mababang badyet
Tutukan natin ang lubhang napakababang badyet ng pamahalaan sa edukasyon. Kung kulang ang pondo ng mga eskuwelahan, saan napupunta ang buwis ng mamamayan?
Napupunta ang kalakhan ng pambansang badyet sa utang panlabas. Nilalabag ng pamahalaan ang Artikulo XIV, Seksyon 5 ng ating Konstitusyon na “dapat mag-ukol ang Estado ng pinakamataas na prayoridad sa pagbabadyet sa edukasyon.”
Ayon sa pamahalaan, kailangan daw magbayad ng utang panlabas para makautang ulit na magpopondo sa mga serbisyong panlipunan. Ganito mag-isip ang ating mga opisyal. Pangungutang ang prayoridad sa paglikom ng salapi at hindi ang pagsugpo sa korupsiyon at ang pag-aayos sa palpak na pangongolekta ng buwis sa bansa.
Mananatiling mababa ang badyet sa edukasyon habang nakaluklok ang ekonomistang si Arroyo na nais pagsilbihan ang kagustuhan ng mga dayuhang mananalapi kaysa ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Sulyapan natin ang epekto ng kapos na badyet sa kalidad ng edukasyon sa bansa. (refer to powerpoint presentation)
Elitista
Numero unong suliranin ng mga estudyante sa mga pribadong paaralan ang taunang pagtaas ng matrikula. Sa nakalipas na pitong taon ay pinayagan ng pamahalaang Arroyo ang mga eskuwelahan na maningil ng mas mataas na bayarin.
Sa kabila ng napakamahal na matrikulang binabayad ng mga estudyante, patuloy namang bumababa ang kalidad ng pagtuturo sa mga eskuwelahan. Napakababa ng passing rate sa mga board exam. Kung may tiwala tayo sa kalidad ng edukasyon sa kolehiyo, bakit kailangan pang mag-enroll sa mga review center?
Dahil negosyo at hindi na serbisyo ang edukasyon, wala ng pakialam ang mga kapitalista-edukador sa mataas ang drop-out rate sa kolehiyo sanhi ng taunang sobrang pagtaas ng matrikula. Napipilitang tumigil sa pag-aaral ang maraming kabataan dahil hindi sapat ang maliit na sinasahod ng kanilang mga magulang upang mabayaran ang mataas na sinisingil ng mga pribadong eskuwelahan.
(refer to powerpoint presentation)
Pilosopiya ng edukasyon
Nagrereklamo ang mga negosyante dahil nahihirapan daw silang maghanap ng mga batang manggagawang may sapat na kasanayan. Sinisisi nila ang mga eskuwelahan kung bakit tila hindi handa ang mga bagong graduate na sumabak sa mundo ng paggawa. Sa isang banda, totoo itong akusasyon ng mga negosyante. Hindi maikakaila ang kahinaan ng mga eskuwelahan.
Pero hindi ako komportable sa pilosopiya na dapat maging pokus lamang ng mga eskuwelahan ang pagsasanay sa mga kabataan na maging mahusay na manggagawa. Sa tingin ko ito ay makitid na pamantayan. Nag-aaral ba tayo upang maging episyenteng robot sa loob ng opisina? Nagsusunog ba tayo ng kilay upang maging milyonaryo sa hinaharap? Maaaring oo. At sinisisi ko ang mga eskuwelahan, ang dominanteng kultura na nagtuturo sa mga kabataan na maging ganid sa materyal na bagay, na maging indibidwalista, at gamitin ang mga eskuwelahan bilang kasangkapan sa makasariling pagpapayaman sa hinaharap.
Hindi ba’t ang higit na mainam na pilosopiya ng pagtuturo ay yung naglalayong humubog ng mga holistikong indibidwal? Hindi ba’t higit na makabuluhan na sukatan ng tagumpay ng eskuwelahan ay batay sa bilang ng mga kabataang may malasakit sa bayan, pagmamahal sa kapwa at dedikasyon na paunlarin ang komunidad?
Kaso nangunguna ang mekanikal at makitid na kaisipan na magsanay ng mga kabataan na pakikinabangan ng mga kumpanya. Ganito dapat ang pormulasyon: magsanay ng mga dalubhasa sa IT para sa inobasyon at higit pang pag-unlad ng buhay ng mga tao. Kaso ganito ang kalakaran: magsanay ng mga dalubhasa sa IT para pakinabangan ng mga call center company.
Kaugnay nito ay ang patakaran ng pamahalaan na maghikayat sa mga batang propesyunal na mangibang bayan at mag-uwi ng maraming pera sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit ang mga popular na kurso sa mga eskuwelahan ngayon ay nakatuon sa malaking demand na trabaho sa ibang bansa tulad ng nursing at caregiver kahit na hindi ito ang kailangan ng domestikong ekonomiya.
Ilang beses naglabas ng direktiba si Arroyo na nag-uutos sa mga eskuwelahan na gamitin ang ingles bilang midyum ng pagtuturo. Gusto niyang maging kapaki-pakinabang ang mga Pilipino para sa mga dayuhang bansa at korporasyon.
Binago ang kurikulum sa elementarya at hayskul alinsunod sa pangangailangan ng mga dambuhalang korporasyon na nasa flexible production. Nais hubugin ang isang populasyong may kaunting kasanayan sa ingles, aritmetika at agham kahit na hindi holistiko ang nakuhang edukasyon.
(refer to powerpoint presentation)
Terorista
Maraming terorista sa bansa. Maraming teroristang eskuwelahan. Mula nang panatikong suportahan ng pamahalaang Arroyo ang ‘gera laban sa terorismo’ ng Estados Unidos ay mabilis na inangkop sa mga eskuwelahan ang lengguwahe, pamamaraan at gawi ng militar upang supilin ang demokratikong karapatan ng mga mag-aaral, guro at kawani.
Ginigipit ang mga publikasyong pangkampus na kritikal sa mga awtoridad. Pinapatalsik ang mga palabang lider ng mga konseho ng mag-aaral. Tumitindi at lalong nagiging absurdo ang mga mapanupil na pulisiya: no long hair policy, bawal ang PDA, bawal ang mga pagtitipon sa quadrangle, bawal ang aktibista, bawal ang fraternity.
Umiikot ang militar at pulis sa mga pamantasan upang takutin, siraan at huliin ang mga kumakalaban sa gobyerno ni Arroyo. Nagpapadala ng mga armadong sundalo sa loob ng kampus upang harangin ang pagkilos ng kabataan.
Sinusuportahan ng maraming kapitalista-edukador ang mga mapanupil na batas ng estado dahil lumalakas din ang paglaban ng estudyante sa pulisiya ng mga eskuwelahan.
Alternatibo
Gusto natin ng isang makabayang edukasyon na tumutugon sa pangangailangan ng bansa. Ito ay tumutulong sa pag-unlad ng ekonomiya at nagpapaunlad ng sining at kulturang Pilipino. Mali ang bulag na pagkopya ng mga modelo mula sa mga kanluraning bansa. Bagkus, dapat itong nakabatay sa kongkretong kalagayan at pangangailangan ng mamamayang Pilipino.
Gusto natin ng isang siyentipikong edukasyon tungo sa direksiyon ng pambansang industriyalisasyon. Siyentipiko ang sistema ng edukasyon kung ito ay nagpapalaganap ng mga demokratikong pananaw na babaka sa diskriminasyon batay sa uri, lahi, kasarian, relihiyon at iba pang mapang-aping pananaw.
Gusto natin ng edukasyong pangmasa. Ito ay makakamit lamang natin kung handa ang gobyerno na kilalanin at tupdin ang kanyang tungkulin sa mamamayan na pag-aralin ang mga ito.
Ano ang ating adyenda para sa makabuluhang reporma sa edukasyon? (refer to article below)
Palitan na
Pitong taong na si Arroyo sa Malakanyang. Ano ang kanyang ambag sa pagpapaunlad ng edukasyon? Naging inspirasyon ba siya ng mga estudyante na huwag mandaya sa mga eksam? Tumigil ba ang korupsiyon sa sektor ng edukasyon? Payag ba tayong manatili siya sa puwesto hanggang 2010? Kayo po ang sasagot nito.
Magandang umaga ulit! Mabuhay ang kabataan!
Related entries:
Education for all
Sputnik and RP education
Neoliberalismo sa edukasyon
************************************
Students, teachers and youth groups have drafted an alternative agenda to the bankrupt policies of Arroyo…
8-point Education Reform Agenda
The crisis of Philippine education is worsening. Quality of learning is deteriorating; school facilities are inadequate and obsolete; cost of education is rising; and campus repression is reaching an alarming level. Education is failing in its mission to equip young Filipinos with relevant life skills and knowledge to enable them to confront the challenges of nation-building.
Education reforms initiated by the private and public sectors do not address the roots of the crisis. Corruption defeats the efforts to improve delivery of education. State policies exacerbate the colonial, commercialized, elitist and fascist features of Philippine education.
It is true that President Gloria Macapagal-Arroyo inherited a flawed education system. But Arroyo is also responsible for aggravating the crisis of education. A relevant, robust and efficient education system is not one of Arroyo’s legacies in the past seven years. Arroyo’s education program has further diminished the capability of schools and decreased the opportunities for learning in the country.
A deficient education system heightens social discontent and poverty. Thus, education policies should be overhauled immediately. New programs must address the basic problems of education. Failure to implement key reform measures will intensify the education crisis.
Different stakeholders of education have drafted an 8-point education agenda which highlights the crucial role of the government in reversing the decline of Philippine education.
1. Increase the budget of education. National spending on education should be equivalent to 6 percent of the Gross Domestic Product. The education sector should receive at least 20 percent of the national budget. Increased government revenues should be used to fill the various gaps in the education sector like the shortages in classrooms, books, computers and other learning tools.
Public education, both formal and alternative systems, should be strengthened. More schools should be established in the country. Scholarship funds should be increased. The government should revamp its policy of reducing the budget of state universities and colleges. Dwindling funds lead to wholesale and subtle forms of insidious commercialization in public schools.
The government has enough resources to allocate higher funding for education. Lawmakers can give up a portion of their pork barrel in favor of education investments. Payment for anomalous debt contracts should be cancelled outright. A significant fraction of debt servicing and intelligence funds of Malacanang should be realigned to education services.
2. Use Filipino as medium of instruction. Language is an important factor in the cognitive development of children. Students learn better and faster if the national language is used in schools. Over the years, Arroyo has made the English language as the only medium of instruction in the country. Congress is supportive of this policy. Education agencies have prioritized programs that would improve English language proficiency. Arroyo’s language policy, aside from reinforcing the colonial character of Philippine education, restricts the learning ability of students. Policymakers need to understand the pedagogic value of using the Filipino language in schools.
3. Improve teachers’ welfare. Teachers are the most important human resource in Philippine education. Yet they continue to suffer from work overload while receiving low wages. Many times their salaries are even delayed. Congress should pass the bill that would raise the salaries of public school teachers and other government employees by P3,000. The Magna Carta of Private School Teachers should be enacted. Training and re-training of teachers should be given priority. Opportunities for graduate education or research activities by teachers should be enhanced.
4. Moratorium on tuition and other fee increases. Rising school fees are forcing hundreds of thousands of students to drop out from schools. (drop out rate) Millions (figure) of young Filipinos could not afford the high cost of education today. Education officials are not seriously performing their duty to regulate school fees. At a time when prices of commodities are rising, and when household incomes continue to fall, a moratorium on tuition increases in both private and public schools can bring immediate relief to poor families. Congress can pass a law that will clarify and strengthen the mandate of the government to regulate school fees.
5. Develop a nationalist and relevant curriculum. School courses or subjects should prioritize the country’s needs over the manpower requirements of other countries and multinational corporations. Vocational/Technical education should match the actual needs of the local economy. Science education should be pursued to promote national industrialization and develop a productive agricultural system. Medical and nursing education should be reformed to meet community health needs. School courses should inculcate patriotism and inspire students to serve the people. History and other social sciences, humanities and the arts should continue to be taught in schools.
6. Invest in science, research and technology development. The country’s rich natural resources can be developed through sufficient investments in research and development, along the line of national industrialization and advancement of the agricultural sector. National spending on research and development should be equivalent to 1 percent of the GDP. Government should grant generous incentives to scientists, promote R&D in schools and use science and technology to solve hunger and poverty in the country. R&D should also be directed towards the protection of natural resources against exploitation by big companies.
7. Promote transparency in education programs. There are various initiatives to improve Philippine education. However, many of these programs are tainted with corruption. Taxpayers’ money is wasted when corrupt bureaucrats take the lead in sponsoring programs with minimal or even dubious benefit to the public. The Cyber Education Program is an example of an overpriced, redundant and scandal-ridden project. There should be transparency in implementing education reforms. Stakeholders should be consulted first before approving major education programs. Other ongoing projects like the Call Center Training Academy of the Commission on Higher Education should be reviewed by the public.
8. Uphold democratic rights in schools. Teachers and students are among the victims of extrajudicial killings, forced abductions and other forms of political repression. Democratic rights should be respected inside campuses. Soldiers and police forces deployed or operating inside schools should be pulled out at once.
Academic freedom and the right to organize should be respected in schools. Congress should probe school authorities that implement rules and guidelines that violate basic rights provided by law.
The government should refrain from undermining the independence of the student movement. The establishment of government-sponsored national student organizations is highly condemnable since this compromises student welfare and autonomy of student politics.