Monthly Archives: September 2005

Battle of the streets Part 1

Youth groups who marched in Mendiola yesterday were correct in defying the ridiculous ‘calibrated preemptive response’ directive of the Arroyo government. Now is indeed the time to prepare for more provocative street actions. Now is the time to contemplate a possible encircling of Malacañang by the people. No more of those Ayala or EDSA star-studded rallies. If we want Arroyo out of power before the end of the year, then, by all means, let us attack the Palace.

The government has foisted the ‘no permit no rally’ policy to thwart the snowballing of protests near Malacañang. We have been too fixated in waiting for the confetti to rain down on our Ayala rallies that we have forgotten to stake claim in our Palace, the people’s symbol of national leadership.

GMA knows she is safe in the Palace today. But she will be forced to flee if there are hundreds of thousands of people knocking the gates of Malacañang. Erap was only forced to leave in 2001 when the news reported that people are marching towards the Palace from EDSA.

The ‘iron hand’ tactic is a ruse to save GMA by inflicting fear among the people. What should be our response? Should we hold more daring actions in the streets? Or should we encourage the people to employ a more fanciful and middle class-friendly version of people power? I think we should adopt the two approaches. They complement each other and if effectively combined, GMA’s glorious days are definitely numbered.

The problem is the tendency of not a few intellectuals to legitimize Malacañang’s assertion that rallies are violent, unproductive, not creative and a circumvention of the rule of law. They propose alternatives that may seem original and impressive but are actually part and parcel of the enduring devices of activists in reaching out to people.

There is a polite way to emphasize the need to develop tactics catering to the pecularities of the middle forces without mocking the Left and street rallies, but most of the time rational thinking is overwhelmed by red baiting.

Enhancing people power through multiple protest activities is a good formula for success. What we should not forget is that however sophisticated the protest movement we have created, the final battle will be won or lost through direct action in the streets. Such is the uniqueness of Philippine politics.

The bad news is that GMA is aware of this. And it works to the advantage of our enemy that mainstream media carries the contaminating message of “disabused intellectuals” (to borrow E. San Juan’s term) that rallies are the handiwork of a mob and not of a thinking population.

So before everything is lost, we should redirect our attention in preparing for mass actions in the streets of Manila. Let us heed the reminders of analysts. Let our protests be creative, hip and reflective. Let us convince our friends to join our cause, engage others in debate, write angry letters to public officials, and publish our sentiments in the web. But at the end of the day, we should remind ourselves that all these cute yet essential efforts to oust GMA would be more potent if we would also be part of the protest rallies in the streets.

The key is to have activists with passion for change like those who belonged to the First Quarter Storm generation. We must attract the middle class participation which we saw in the first two EDSA uprisings. And we must have the boldness of the crowd of the EDSA Tres.

(Next: street tactics or musings on how to conduct the Palace siege)

Advertisements

Coppola’s revisionism

What happened to Francis Ford Coppola?

He was one of the greatest, if not the most intelligent filmmaker of the 70’s. Now he is overshadowed by contemporaries like Martin Scorcese and Roman Polanski who continue to make award-winning films.

Perhaps he is too preoccupied building beach resorts in the Caribbean or consolidating his title as a wine mogul.

He has not made a new film since Rainmaker in 1997. He released new versions of Apocalypse Now, One from the Heart and recently, The Outsiders. People doubt whether he is serious in completing his screen adaptation of an Ayn Rand’s novel tentatively titled as Megalopolis.

Maybe Coppola is satisfied that her daughter Sofia is already an accomplished director. Or maybe he is just too happy producing sci-fi programs or supporting new directors. He is reported to be producing a film based on a Jack Kerouac’s book. Or maybe critics are correct when they maintain that Coppola has little or no creative ideas left in his body.

Coppola is regarded as an icon or a patriarch in the art of filmmaking because of his epic works like The Godfather, The Conversation and Apocalypse Now. Whether he still has those legendary artistic skills in making a movie or he is already an overrated and has-been director, it is appreciated that he announced his vow to end his revisionism or his proclivity to revise his past films which were not warmly received by the public and critics alike.

He says he will now concentrate in making original films. A competition with friend George Lucas who also announced his intention to make movies about human relations without droids may be in the offing.

I am one of those eagerly anticipating the next movie by Francis Ford Coppola now that he is through with his revisionism. It is hoped that its story would be as compelling as the Godfather and a screenplay that could rival the lines in Apocalypse Now. In short, Coppola must offer a film we could not refuse.

Ang UP student council sa panahon ng batas militar

Bagama’t nakintal na sa ating alaala ang bagsik ng batas militar, hindi dapat makalimutan ang ginawang paghamon ng mamamayan upang tuluyan nang gapiin ang rehimen ni dating Pangulong Marcos. Kung paano hindi nagpatinag ang sambayanan sa harap ng walang pagtatanging pasismo ng estado ay isang mahalagang aral na dapat nating binabalikan at sinasabuhay.

Ang kasaysayan ng bansa sa ilalim ng batas militar ay hindi lamang kuwento ng karahasan, pang-aapi, kahirapan at diktaturya. Marami tayong mailalahad na kuwento ng kabayanihan, kadakilaan at katapangan. Sa panahong ito nakilala ang mga bagong martir ng sambayanan. Higit sa lahat, natutunan nating lumaban at makisangkot laban kay Marcos sa iba’t ibang paraan.

Naging larangan ng paglaban ang mga eskuwelahan, opisina, pabrika, mga komunidad at ang kanayunan. Naging tuntungan ang paggigiit ng mga kongkretong kahilingan ng mga sektor upang maliitin ang legitimacy ng rehimen ni Marcos. Sa ganitong paraan, ang pakikibaka ay nagkaroon ng hugis at anyo na pamilyar sa buhay ng mamamayan kung kaya’t ito ay mabilis na lumawak at lumakas sa buong kapuluan.

Gamitin nating halimbawa ang pakikibaka ng mga estudyante ng UP na ibalik ang kanilang university student council pagkatapos itong isara ng pamahalaan noong unang buwan ng batas militar.

Para sa mga mag-aaral na hindi tuwirang nakadanas ng panunupil ng estado, ang pangil ng batas militar ay nakita nila sa pagbabawal na magbuo ng sariling konseho at organisasyon ng mag-aaral sa pamantasan. Ito ang mga simpleng daluyan ng malayang pamumuhay sa kolehiyo at ang pagkait sa kanila ng karapatang ito ay hindi katanggap-tanggap sa isang lipunang nagpapakilalang demokratiko.

Mula 1972-81, nagpunyagi ang mga mag-aaral ng UP upang ibalik ang kanilang konseho at mga karapatan sa pamantasan. Higit pa rito ay ikinawing nila ang kampanyang ito sa pakikibaka laban kay Marcos. Ang paggigiit ng konseho ng mag-aaral ay pagmamaliit din ng batas militar at ng rehimen ni Marcos.

Mapanlikha at agresibo ang paraan ng mga mag-aaral upang mapangibabawan ang represyon noon. Dahil mga fraternity lamang ang pinayagang manatili sa pamantasan, ang mga radikal na estudyante ay nagtayo ng mga sariling kapatiran na may makabayang oryentasyon. Paboritong ikuwento ng mga nakatatanda ang paglalagay nila ng mga placard o poster sa mga pusang nakakalat sa UP dahil ito ang pinakamabilis at ligtas na paraan upang maabot ang maraming bilang ng mga estudyante.

Batid ng mga opisyal ng UP ang ahitasyon ng mga mag-aaral kung kaya’t nagtakda sila ng ilang pagluluwag sa mga regulasyon sa eskuwelahan. Nilako ni Presidente Lopez noong 1973 ang isang Consultative Committee on Student Affairs bilang kapalit ng student council subalit ito ay tinanggihan ng mga estudyante.

Napilitan naman si Presidente Corpuz noong 1975 na ipanukala ang isang Student Conference para magsilbing konseho ng mga mag-aaral nang hindi na niya kayang isantabi ang lumalakas na petisyon na ibalik ang student council. Ang eleksiyon noong Setyembre 18, 1975 para sa Student Conference ang kauna-unahang eleksiyong naganap sa isang mayor na institusyon sa buong bansa mula nang ipatupad ang Batas Militar.

Noong 1977 ay naglabas ng Memo #22 ang administrasyon ng UP na naglalayong itayo ang isang UP Metro Manila Student Welfare Board upang hikayatin ang mga mag-aaral na dito na lamang sila aktibong lumahok. Subalit nanindigan ang mga estudyante sa kanilang paggigiit ng isang malaya at demokratikong student council.

Nagsama-sama naman ang lahat ng organisasyon at mga lider-estudyante ng UP noong Marso 1979 at itinatag nila ang Task Force Ibalik ang Sanggunian. Pagdating ng Agosto ay ginawa nila itong Student Alliance. Sa yugtong ito ay masasabing naipagwagi na ang kampanya para sa pagbabalik ng university student council. Noong Disyembre 14, 1979 ay pormal nang dineklara ni Presidente Soriano, sa kanyang kauna-unahang talumpati sa komunidad ng UP, ang pagkakaroon ulit ng konseho ng mag-aaral makalipas ng pitong taong pagkakapiit.

Si Malou Mangahas ang binoto ng anim na libong estudyante bilang tagapangulo ng student council noong 1980. Siya rin ang kauna-unahang babaeng namuno sa konseho.

Naibalik sa UP ang karapatan ng mga estudyante na magkaroon ng sarili at malayang konseho isang taon bago bawiin ang batas militar sa bansa. Nagawa ito sa tuluy-tuloy at determinadong pagpupunyagi ng mga mag-aaral sa kabila ng panunupil ng estado. Sa panahong ito ay nanatiling buhay ang demokrasya dahil hindi kailanman nawalan ng pag-asa ang mamamayan, lalo na ang kabataan, na kayang talunin ang diktaturyang rehimen ni Marcos.

Puwera usog

Mahirap tanggihan ang nakatatanda pagdating sa pagsunod sa mga pamahiin. Bakit nga naman sila hindi pakikinggan kung mabuti naman ang kanilang hangarin? Sa pagpapalaki ng bata, gabay namin ang payo ng mga doktor, kaibigan, instinct, kamag-anak at kabilang na ang sabi-sabi ng matatanda. Hindi man ako naniniwala sa pamahiin, kung hindi naman ito ikamamatay ng aking anak, sino ako para insultuhin ang mga taong nagmamahal sa aking pamilya?

1. Kailangang lawayan ng mga bumabati ang paa ng bata. Pinakapopular na pamahiin na ginagawa kahit sa mga may edad na. Hindi kailangang bumati para makausog, basta tiningnan ang bata ng mga taong gutom, pagod at malakas ang usog, naku hahabulin ang kawawang tao para piliting lawayan ang bata. May tinatawag silang mangkukulam, mga matatandang babae na malakas talaga ang usog.

2. Pulang bagay sa damit ng bata. Nilalagay ito sa mga batang mataba at cute (tulad ng anak ko) para dito mapunta ang bati ng mga tao at hindi mausog ang bata.

3. Tuyong ulo ng kalabasa sa damit ng bata. Nilalagay ito kapag lima o anim na buwan na ang bata para daw hindi mahirapan sa pag-iipin.

4. Bawal magsalamin ang sanggol. Hindi ko alam kung bakit.

5. Bawal maligo sa araw ng Biyernes. Hindi namin ito sinusunod, baka bumaho si baby eh.

6. Bawal magbiyahe ang hindi pa nabibinyagang bata. Basta raw hindi malayo, walang problema kung ipasyal sa mall o kung saan pa man.

7. Bawal kalbuhin ng isang taon. Ewan ko kung bakit. Baka siguro papanget ang baby kapag kinalbo.

8. Unang ginupit na kuko ilagay sa holy water ng simbahan. Para daw maging mabait na kristiyano ang bata. O kaya ilagay daw sa bibliya. Kaya pala madumi ang holy water ng simbahan.

9. Unang ginupit na kuko o buhok ilagay sa libro para maging matalino ang bata. Paano kapag sa FHM naipit ang kuko o buhok? O kaya sa opinion page ng Philippine Star? Huwag naman po.

10. Gupitin ang pilikmata para humaba at gumanda. Hindi ito pamahiin, hindi ko alam kung ano ang batayan ng aking asawa.

11. Himas-himasin ang ilong para tumangos. Lalo na kapag parehong pango ang magulang, hehe.

12. Pag-uwi ng pagod na nanay mula sa trabaho, dampian ng mainit-init na bimpo ang suso para lumabas ang maduming gatas. Ipahid ito sa bata para kuminis daw ang balat. O daddy, huwag agawan ang bata.

13. Bawal pigain ang lampin ni baby kapag nilalabhan. Para daw hindi masira ang tiyan ng bata.

14. Bawal magsuot ng may kulay na damit sa mga unang buwan ng bata. Baka daw kasi hindi bagayan ng kulay kapag lumaki na ang bata. Eh paano kapag ang mga bigay na damit ng mga kaibigan at kamag-anak ay may kulay?

15. Dapat may nakabukas na radyo sa tabi ng natutulog na sanggol. Para daw matutong matulog ang bata kahit may kaunting ingay sa paligid. Pagkakataon ito para pakinggan ng baby ang musika ni Mozart, Bach at iba pang klasikong musika na tumutulong sa pagpapatalino ng bata.

16. Pagkatapos ng binyag, kailangang itakbo palabas ng simbahan ang bata at dapat mauna sa iba. Para daw hindi mahuli ang bata sa hinaharap sa anumang karera na kanyang pinili.

Masaya magpalaki ng bata. Marami tayong nakakatuwang kaugalian na mahirap intindihin pero madali naman sundin. Basta ang mahalaga, malusog si baby, regular ang bakuna, araw-araw dumudumi at tuluy-tuloy ang breastfeeding.

Forget the next elections

Let the proadministration bloc have their glorious days. It will be a shortlived victory anyway. We will remember the names of the one hundred fifty-eight solons who voted to approve the railroaded and unjust Justice Committee report of the Lower House. We will also not forget how those who abstained from voting and those who were absent in the most important session of Congress helped in quashing the impeachment bid.

These lawmakers may receive a larger pork barrel in the future or their relatives appointed in juicy positions in the government but the people will have its revenge in the next elections. The young voters, comprising half of the voting population, will not vote for the lawmakers who surrendered to the bribery and bullying tactics of the Arroyo camp but ignored the sentiments of the public seeking for truth and justice.

Those of us who stayed awake all night and forced ourselves to listen to the lousy speeches of members of Congress in their pathetic attempt to defend their position must be given a chance for retribution.

Therefore, the impeachment killers are advised to forget their reelection bids. Those who are already in their last term and fantasizing a Senate seat must kiss their dreams goodbye. They are not worthy to be called ‘Honorable’ anymore since they sold their votes and souls to the queen trapo. And besides we have enough nincompoops in Congress.

Dissolving Congress after booting out Arroyo from power and installing a new government is the sweetest victory for Filipinos. But the opportunity not to vote for the lawmakers who made it impossible to impeach the President facing corruption and poll fraud charges is the next best thing.

To the streets

A pro-administration lawmaker argued that the Minority failed to get the minimum 79 votes to impeach the President because it was obsessed in trying to grab power through street rallies for a long time. He added that the Minority has a low regard for due process.

I beg to disagree.

It is the elite’s contempt for People Power which redirected the attention and energy of everyone to the impeachment process. While big rallies are being held throughout the country, we saw how the anti-Arroyo politicians, civil society, Church and other pompous middle forces mocked these protest actions as fruitless, irrational and unnecessary.

Now, everyone is calling the people to go to the streets and if the impeachment is finally thrashed, civil disobedience is being proposed.

The media is reporting that this will be the start of big street actions. Or that Filipinos are now ready to launch another People Power to oust the President. But what about July 13? Or July 25? Have they already forgotten that these were big protest marches?

It must be emphasized that indignation rallies to be held this week do not signify the start of another uprising but rather they are linked to the previous anti-GMA actions by the militant opposition.

Those of us who are determined to remove GMA from power have long ago realized that the people, and not the trapo-dominated Congress, will decide the political fate of our country. We were called troublemakers, law-breakers and unthinking impulsive fools for the position we took.

When civil society called for a Truth Commission or the need for an impeachment, we already predicted that they will soon abandon their foolhardy ideas to get rid of Gloria and will eventually join the people in the streets.

Now they are one with us. Together with the extreme and moderate Left, the Erap-FPJ group, Bangon, the masa and other sectors which they fear or belittle. And look now, they are getting the credit for starting an uprising which they once disdained.

Oh well, since it is the time for a united front, it must be noted that it is a positive development that more personalities and groups are joining the clamor for GMA’s removal through people power.

vortex of evil

Halos nagtutugma ang reaksiyon ng mga kumpanya ng langis, Malakanyang at mga negosyante sa pinalobong krisis ng pagtaas ng presyo ng krudo sa mundo. Bigla kong naalala na may nasulat pala ako tungkol sa ugnayan ng mga grupong ito. Ang sumusunod ay unang lumabas sa www.tinig.com:

Paumanhin kay Condoleeza Rice, Donald Rumsfeld at Colin Powell sa paggamit ng tila parehong bansag sa mga teritoryong kinikilala nilang mga terorista. Pero ang tinutukoy kong ‘Vortex of Evil’ ay hindi ang North Korea, Iraq at Iran kundi ang pugad ng kasamaan sa bansa: ang oil depot sa Pandacan, Makati Business District at ang Malakanyang.

Dito nagmumula ang mga terorista. Dito ang control room ng mga nang-aalipin sa bansa. Kapag binura ito sa mapa, aangat ang kabuhayan ng mga Pilipino.

Sa Makati Business District nagaganap ang lahat ng transaksiyong pinansiyal sa bansa. Umiikot ang pera sa maliit na mundong ito bago ideposito sa bangko o ipambili ng mga sapi (shares) ng mga kumpanya. Dito nag-oopisina ang mga pulitiko, negosyante, dayuhang mangangalakal at embassy ng ibang bansa. Tinangka nilang alisin ang tatak ng kahirapan sa kanilang paligid sa pagtatayo ng mga mall, walkway, matataas na gusali at mga eksklusibong subdibisyon upang ang mga tao dito ay matutong kumilos at magsalita tulad ng mga iniidolo nilang banyaga. Nagpapaambon sila ng mumo sa ilan nilang batang empleyado para may pambayad sa mga itinayo nilang kapihan.

Dito hinuhulma ang mga desisyong bumabago sa kapalaran ng mga Pilipino tulad ng pagbawi ng free text sa mga cellphone, pangangamkam ng lupa sa probinsiya para gawing golf course, panunuhol sa mga pulitiko at pagdebelop ng mga nakakabobong advertisement para maganyak ang mga tao na bumili nang bumili ng mga gamit na hindi nila kailangan sa buhay.

Hindi simbahan, paliparan o mga mall ang dapat bantayan ng mga pulis upang masawata ang banta ng terorismo. Kung mayroon lamang isang tunay at matalinong terorista sa bansa, ang uunahin niyang target ay ang oil depot sa Pandacan. Tiyak itong lilikha ng ligalig na walang kaparis. Kung naging seryoso lamang si Mayor Atienza na ilipat ang oil depot sa labas ng Metro Manila, kahit wala ang kanyang mga ‘beautification projects’ ay kikilalanin pa rin siyang epektibong lider sa pagligtas sa buhay ng mga tao sa siyudad.

Kung paano nagkaroon ng oil depot na isang dipa lamang ang layo sa mga residente ng Maynila ay maaaring maging iskandalo sa ibang bansa pero itinuturing itong normal na kaganapan dito sa Pilipinas. Baka napakalaki ng binabayad ng mga kumpanya ng langis sa gobyerno upang ipagwalang-bahala na lang ang mga masamang idudulot ng oil depot tulad ng polusyon sa kapaligiran. Halos araw-araw ay may hinihimatay sa PUP dahil sa kemikal na nasisinghot ng mga estudyante mula sa oil depot.

Mula nang sumabak tayo sa gera laban sa terorismo ay araw-araw ng malaking banta sa buhay ng mga taga-Maynila ang pagsabog ng oil depot. Minsan biniro ng isang kaibigan na kaya agresibo ang pagdebelop ng reclamation area sa Manila Bay ay upang maging reserbang siyudad sakaling lumubog ang Maynila sa pagsabog ng oil depot.

Pero hindi man lumiyab ang oil depot, simbolo pa rin ito ng pangingibabaw ng Kapital sa lipunan. Sa malimit na pagtaas ng presyo ng krudo at ang kasunod nitong implasyon ng presyo ng mga pangunahing produkto sa palengke, itinuturo nito ang walang dangal na kutsabahan ng pamahalaan at mga ganid na negosyante na lalong ibaon sa kahirapan ang mamamayan.

Kahanay ng oil depot sa ilog Pasig ay ang Malakanyang Palace. Sa ibang bansa ang bakas ng kolonyal o pyudal na paghahari tulad ng mga palasyo ng mga Imperyo o mga Katedral ay ginagawang museo upang maging midyum ng pagtuturo ng kasaysayan sa bagong henerasyon. Sa Pilipinas, ito ay hinahayaang gumuho, ginagawang bus terminal o kaya’y patuloy na ginagamit tulad ng Malakanyang at Palacio del Gobernador na opisina ngayon ng COMELEC.

Mula noon at lalo na ngayon, ang Malakanyang at kahit ang Palacio del Gobernador ng COMELEC ay kumakatawan sa elitistang kapangyarihan, kasakiman at kababawan sa bansa. May monopolyo ang Malakanyang sa pananagutan kung bakit nasa primitibong yugto pa rin ng pag-unlad ang Pilipinas.

Ang opisino ng Pangulo sa Palasyo ay walang pinag-iba sa bahay ni Vito Corleone. Dito pinagpapasyahan kung paano hahatiin ang yaman ng bansa sa mga galamay, kaibigan at kapamilya ng Presidente. Hindi puwedeng sumulong ang operasyon ng iba’t ibang sindikato sa bansa kung walang ayuda ng Malakanang.

Sa Palasyo niluluto ang mga maiitim na iskema upang palabuin ang minoryang kontrol sa nakakarami. Bihirang matugunan ang pulso ng tao pero may direct line ito sa kaunting daing ng Makati Business District at mga dayuhan. Hindi man ito ngayon pribilehiyong opisina ng mga abogado’t may pinag-aralan tulad ng dati, Palasyo pa rin ito ng mayayaman.

Ang kasalukuyang residente nito ay may islogan na gawing Matatag na Republika ang Pilipinas. Araw-araw ko itong pinagtatawanan dahil dudurugin daw ang mga kriminal pero isang kalye lamang ang layo ng Malakanyang sa bilihan ng pinakamalaking koleksiyon ng mga piniratang VCD-DVD sa bansa at nasa harap lamang nito ang Recto Avenue: ang pabrika ng mga pekeng diploma, resibo, transcript of record, notaryo at thesis.

Tiyak magdiriwang ang bansa sa pagbagsak ng Makati Business District, oil depot at Malakanyang. Hindi naman ito isang utopia sapagkat sa loob at labas mismo ng pugad ng kasamaan ay may tago at lantarang buhay na pagtutol, paglaban at pag-aklas ng mamamayan.