24 Oras: kahit palaging tulog ang bata

7:00am painitan ang bata sa araw ng 30 minuto; huwag lalagpas ng 8am dahil masama na ito sa balat.

8:00am oras para uminom ng gatas; nakakatakot ang pag-iyak ng bata sa umpisa, gutom na siya kapag binubukas niya ang kanyang bibig nang madalas

9:30am paliguan ang bata; bihisan ng manipis na damit dahil mainit ang klima, gumamit ng lampin o ng chino pino para maiwasan ang baby rash

10:00am palitan ang basang diaper; mahiya sa bata, mag-alcohol

10:30am tumulong sa paglilinis ng sugat o tahi ng asawa, piliting huwag himatayin kapag nakakita ng dugo

11:00am oras para uminom ng gatas; huwag kalimutang bigyan ng tubig ang nanay na magpapasuso ng anak, huwag bigyan ng problema ang nanay

1:00pm palitan ang basang diaper na may pupu; huwag magalit kung biglang dumumi ang bata habang karga-karga mo

2:00pm palitan ang basang diaper; humanap ng murang baby wipes, pwedeng lagyan ng baby oil ang singit ng bata para luminis

3:00pm oras para uminom ng gatas; tumulong sa pag-iipon ng gatas gamit ang breast pump, i- sterilize muna ang bote ha

4:00pm palitan ang basang diaper; makipaglaro sa bata kung gising, pagmasdan ang sanggol at mamangha sa mumunting biyaya ng buhay

5:30pm oras para uminom ng gatas; patulugin ang nanay para bumawi ng tulog at lakas

6:00pm palitan ang basang diaper; maglagay ng flashcard na may kulay pula-itim-puti sa harap ng sanggol, ayon sa mga pag-aaral makakatulong daw ito para bumilis ang pagdebelop ng paningin ng bata

8:00pm oras para uminom ng gatas; himas-himasin ang ilong para tumangos ayon sa mga matatanda

9:00pm palitan ang basang diaper, disposable na ang gamitin para hindi maistorbo ang tulog ng bata

10:00pm oras para uminom ng gatas; kargahin ang bata pero huwag sanayin, sapat na ang duyan, lagyan ng kulambo para hindi kagatin ng lamok o anumang insekto ang bata

1:00am oras para uminom ng gatas; kahit gaano na kahimbing ang tulog mo, gigisingin ka ng iyak ng nagugutom na bata

3:30am oras para uminom ng gatas; magkunwaring hindi naririnig ang iyak ng bata para ang asawa ang bumangon, ang sama ko no?

6:00am oras para uminom ng gatas; simulan ang bagong umaga sa pagkausap sa iyong anak

Advertisements

8 Comments

  1. anonymous
    Posted February 26, 2005 at 2:23 am | Permalink | Reply

    `nak ka ng tokwa talaga….
    tatay ka na nga!
    di ko ma imagine…
    ang batang inaalagaan ko… tatay na!
    🙂 C U po! -pam

  2. Posted February 26, 2005 at 12:31 pm | Permalink | Reply

    Kaya lang, pare, publicized na ngayon y’ong 3:30 a.m. technique mo. Hehehe…

  3. Posted March 2, 2005 at 7:29 pm | Permalink | Reply

    uy! tatay ka na rin pala. =)

    salamat sa pag-iwan ng comment sa blog ko. hindi tayo personal na magkakilala pero malimit kita makita sa rali kapag naliligaw-ligaw ako. hehe!

  4. Posted March 3, 2005 at 12:41 pm | Permalink | Reply

    tatay na tatay ka na talaga, ah. 🙂

  5. gareb
    Posted March 4, 2005 at 2:56 pm | Permalink | Reply

    congratulations! good luck on the many, many, many sleepless nights ahead.

    hehe.

  6. Posted March 5, 2005 at 10:07 am | Permalink | Reply

    dahil ako’y tatay rin at mayroon ng dalawang anak:

    hmmm, kuhanan na agad ng pictures yan. mahal ang film kaya mag-invest na sa digital camera (eh ano kung mas mahal, higit isang libo naman ang pwede mong kuhanin kada linggo, o araw kung gugustuhin mo?); isang lata ng gatas yan kada linggo, kaya i-convince si misis na pagtyagaan ang breast feeding at least hanggang month 5, isa pa, mas maganda ang development ng bata dito (gaya ng sa panganay ko); sensitive rin ang mga nanay sa stage na ganito kasi hati ang attention ng tatay sa anak (na mas hinahalikan) at asawa (na kinikindatan na lang, hehe); wag kang tamarin na gumising sa umaga, ito ang madalas na oras ng paglalaro ng mga bata: obserbahan mo yung nakatingin siya kisame at humahalkhak ng mag-isa, parang nilalaro ng isang ewan na di mo nakikita (sa bi ng mga matatanda anghel daw yun); mag-ipon ka na rin ng pera para sa diaper (ang gastos niyan tol), at maghanda na ng anti-diaper rash cream nang di mamula ang pwet ng baby; panghuli, sabihin mo sa mga kasama na pagbigyan ka naman sa mga panahong ito, at hayaang umuwi ng maaga mula sa trabaho, kung hindi, marami kang makakaligtaan sa development ng baby mo — jun lisondra

  7. anonymous
    Posted March 24, 2005 at 10:20 am | Permalink | Reply

    mong,tatay ka na?! congrats! -nina h.

  8. anonymous
    Posted September 21, 2008 at 1:28 am | Permalink | Reply

    ano ba yan kuya mong… hehe dmond 2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: