Monthly Archives: January 2005

education crisis – then and now

IN the 1950s, world famous German economic expert Dr. Hjalmar Schacht told UP professors that the Philippines could be the leading country in East Asia because of our superior educational system.

But this optimism was kept in check by the Swanson Team which surveyed the country’s educational system from June 1959 to February 1960.

Their study revealed that three-fourths of the youth have never attended high school. Sixty out of 100 do not reach the 6th grade. And they lamented that the government “does not spend enough from the national income for the support of education.” In fact, education spending was only 2.4 percent of the GNP.

Here is an excerpt of their report:

“…much of education in the Philippines is simply not good enough to justify the great faith of the people. What will happen to this unquestioning faith in education when the people learns that it is not solving their problems? Will they lose faith in education or in those who are responsible for their educational services?”

“…if universities concentrate their effort and attention on drawing large enrollments…if they are more concerned with advertising superficial achievements which may only misled the trusting and unlettered public, they would be doing more harm than good to the country, they would be producing half-baked so-called experts and unimaginative leaders; they would be increasing the number of frustrated degree-holders and poorly educated professionals.”

What a prophetic statement!

Advertisements

North Triangle

KAPAG nakasakay ka sa MRT papunta sa Taft at nasa pagitan ka ng istasyong North at Quezon Avenue, pwede mong mahinuha ang di pagkapantay-pantay sa lipunan. Lumingon sa gawing kanan at makikita ang Philam at West Triangle, ang sulok ng mga mayayaman sa distrito uno ng Quezon city. Nandun din ang bahay ni Cory Aquino. Sa gawing kaliwa naman ay ang mga nakatira sa tapat ng Philam – mga iskwater ng North Triangle na aabot hanggang Agham Road sa harap ng Philippine Science High School at opisina ng Ombudsman.

Ginagalang ang pag-aari ng mga nasa gawing kanan at pinapalayas naman ang mga nasa gawing kaliwa. Sinisisi ang huli sa mga krimeng nagaganap araw-araw at palaging itinuturo ang dami ng mga pamilya dito kung bakit naghihirap ang kanilang komunidad.

Dapat kumuha ng inspirasyon ang Ombudsman sa mga eksena sa tapat ng kanyang opisina. Dapat lalo siyang magkaroon ng motibasyon na habulin ang ninakaw at ninanakaw na yaman ng bansa. Isipin lamang niya na kaya walang pera ang gobyerno para mapabuti ang buhay ng mga kapitbahay niya sa North Triangle ay dahil binubulsa ito ng mga nasa poder.

Hindi rin kailangan ng Lateral Attrition Law upang magsikap ang mga taga-BIR na higitan ang kanilang koleksiyon. Paminsan-minsan ay subukan nilang ibaba ang bintana ng kanilang sasakyan at dungawin ang mga maralita sa North Triangle na ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang opisina. Dibdibin nila na anumang makukuha nilang buwis ay pwedeng gamitin para sa kagalingan ng mga kababayan nating naghihikahos.

Sa kabilang banda, nagbabagong bihis na ang North Triangle. Bibilang siguro ng ilang taon at magiging commercial complex na rin ito. Ngayon pa lang ay may itinatayong central bus terminal sa may EDSA-Quezon Avenue. Mukhang pangungunahan naman ng mga Ayala ang pagdebelop sa MRT depot bilang pantapat sa SM North. Ito raw ang susunod na Cubao o Makati business center.

Kung ako ang gobyerno, iba ang gagawin ko sa North Triangle. Bakit hindi magtayo ng mass housing para sa mga mahihirap na nakatira dito? Imbes na itapon sila sa Montalban o kung saan man na hindi sila makikita ng mga turista, bakit hindi magdebelop ng isang modelong komunidad na may pinaghalong residensiyal at komersyal na katangian? O kaya mainam din na gawin itong nature park bilang extension ng Wildlife at Quezon Circle. Tutal, sa kahabaan ng EDSA ay walang sanktuaryo ang mga tao na pwedeng magpahinga pagkatapos ng nakakapagod na araw o magpiknik kasama ang buong pamilya.

Kung seryoso ang MMDA sa kanyang urban renewal program o maging walkable ang Metro Manila, dapat hindi wet-flag, paintball o mga footbridge ang pokus nito kundi ang pagdebelop ng mga plaza, park at libreng maka-kalikasan na pasyalan para sa publiko.

Ban junk food and other school reforms

The other extreme of malnourishment is the prevalence of obesity among schoolchildren, especially in the urban areas. While this is not yet an alarming trend in the country, most developed countries have sounded alarm to curb this 20th century malady. Obesity can lead to diabetes and heart diseases. Blame it on soda, burger, candy and other junk food. We should take steps to encourage a healthier lifestyle among our people and we can start with our schools. After all, kids must be stronger in both mind and body.

The Bureau of Food and Drugs must regulate the food which can be sold in elementary and high schools. Those which contain excessive sugar and fat must be banned or can only be sold one hour after end of classes. Home-baked food and those sold for fund-raising/charity purposes must be exempted. Vending machines must contain only milk, cereals, juice, water and other similar products.

Right now junk food is popular because it is cheap and their TV ads are effective in whetting our appetite. Well, let us create a market for healthy food, especially native snacks, and if we buy these products, we may help push the prices down.

The government can follow the example of United Kingdom by marking healthy products with green stickers and junk food with red markers.

**********

A friend of mine from Mindanao State University expressed her disappointment over a news story by Inquirer last Monday describing the foiled attack in Quiapo as an “Islamic bomb plot”. She said that when Erap was booted out of power, no one described it as the “ousting of a Christian president” or when Gloria supported Bush’s war on terrorism, we did not write it was a “Christian war against Iraq and Afghanistan.”

This conscious/unconscious prejudice against Muslims can be partly explained to our lack of knowledge in their religion because of our upbringing as devoted Christians.

Perhaps we can adopt the practice of many European schools where children are given a monthly lecture on the different religions of the world. This is an optional course where every religious minister – Christian, Jewish, Muslim, Buddhist, etc – is challenged to teach their creed in the most creative and enjoyable manner.

Our students deserve to know that there may be one Christian God but it is not a universal belief.

**********

Senior citizens or pensioners must be given a chance to go back to school to learn more skills and knowledge. And the State must provide this opportunity for free. Old people should not only keep their bodies fit. They must also do a regular mental exercise. Its part of maintaining a healthy regimen for both young and old. Studies show that when a person does not use his mind to solve complex issues akin to theoretical problems, their brains will shrink.

**********

The Citizens Army Training in high school must be abolished. ROTC in college is already an optional course therefore CAT is no longer relevant. It must be replaced by a voluntary community service program. Back in 2002, we had a dialogue with then Department of Education Secretary Edilberto de Jesus, and he refused to support our petition to abolish CAT since, according to him, there is no clamor from the students. Well, let us create a clamor (of tsunami proportion). Let our voices be heard. This is a challenge posed to high school students.

paalam pantranco

sikat ang pantranco noon bilang nangungunang bus company ng hilagang luzon. sa rurok ng kanyang pamamayagpag sa kalye, higit ang prestihiyo nito kaysa sa tinatamasa ngayon ng victory liner at philtranco. hindi lang stratehiko kundi napakalawak ng istasyon nito (mas malawak pa sa ali mall bus terminal) sa quezon avenue-roosevelt sa quezon city. mahigit isang dekada ng sarado ang istasyon pero hanggang ngayon ay pantranco pa rin ang tawag sa lugar. mababakas ang kahalagahan nito noon sa marami pa ring ruta ng dyip na dumudulo sa pantranco: up-pantranco, project 2-3, cubao-pantranco, munoz-pantranco at lagro-pantranco.

hindi ko tiyak kung pag-aari ito ng crony ni marcos pero bigla na lang itong isinara noong unang bahagi ng dekada nobenta. marami sa mga manggagawa nito ang nangahas na nanatili sa istasyon at nagtayo sila ng mala-kolonyang panirahan sa loob ng compound.

ang dating drug store ay naging opisina ng pasang masda ng rutang munoz-pantranco. may avenue grill na naghahanap ng mga batang GRO at may pagawaan ng muwebles na gawa sa rattan at kawayan. ang dating pasalubong center ay ginawang carinderia complex, bilyaran at videoke-han. nagpatayo si mayor mathay ng mini-mini-park sa roosevelt corner quezon avenue bilang bahagi ng kanyang beautification program.

matatanaw sa lumang gate sa roosevelt avenue ang manukan at sampayan ng mga bagong residente ng pantranco. kapag dadaan ka naman sa likod sa general lim street ay masisilayan ang mga de-kurtinang bintana na dating lalagyan ng aircon ng mga opisina sa istasyon.

matagal ng kinalawang ang mga bus ng pantranco pero tuloy pa rin ang buhay sa loob ng istasyon. at habang mabagal ang pag-usad ng kabuhayan ng mga taong sumakop sa pantranco, mabilis naman ang pagbabago sa paligid nito. sumikip na ang trapiko at dumami ang mga restaurant, comedy bar, bangko, high class night club, spa at mga prosti sa quezon avenue.

kung nakakaaliw pagmasdan ang mga lumang mansiyon sa modernong quezon avenue (at hindi ko pa rin tiyak kung saan banda ang bahay dito ni teodoro agoncillo), nakakaasiwa ang itsura ng inaanay, maputik at gumuguhong istruktura ng pantranco. kung dati’y ito ang hari ng quezon avenue na mayroon pang mala-toreng garing at mailaw na karatula, ito ngayon ay parang isang inabandonang pulubi sa kalye at madungis na insulto sa karangyaang ipinagyayabang ng quezon avenue. para siyang simbolong homebase ng mga prosti sa examiner, mga aeta na nanlilimos sa delta, mga snatcher sa sto. domingo, mga carwash boys sa araneta at nagpoprotesta sa welcome rotonda. sapagkat ang buhay ng mga tao sa loob ng pantranco ay naratibo ng pagkaduhagi, pagpupumiglas at pagsusumikap na mabuhay.

nagulantang na lang ako kamakailan nang mapadaan ako sa pantranco at wala na ang kinagisnan kong nakakasuyang tanawin. napalitan ito ng kongretong dingding na may nananakot na malalaking marka: private property. no trespassing.

wala na ang mga bahay, carinderia, bilyaran, videoke-han, beerhouse, pagawaan ng muwebles at opisina ng pasang masda. nakapanliliit ang matatayog na dingding, barbed wire at mga bagong security guard sa compound. nabawi na ng kapital ang pantranco mula sa proletaryo.

gagawin daw itong robinson mall. sabi naman ng isang drayber, pamilya del rosario daw ang nakabili. nakakatuwa at may nag-iisip pang magtayo ng mall kahit marami ang gutom at walang trabaho.

kung ito ay gagawing mall, ngayon pa lang ay nanamnamin ko na ang bawat sandali na medyo maluwag-luwag pa ang daloy ng trapiko sa aming lugar. at ano kaya ang reaksiyon ng heroes hill subdivision na nasa likod lang ng pantranco? ang barangay na ito nila bingbong crisologo, bobbie malay at satur ocampo ay minsan ng inireklamo ang maingay na music session ni nora aunor at naghigpit sa mga pampublikong sasakyan na huwag dumaan sa kanilang lugar.

sayang, pangarap ko pa namang gawing nature and science park ang pantranco. o kaya isang museum or planetarium. pero pangarap lang naman ito eh. paano kaya yung mga taong nakatira sa loob ng pantranco? hindi lang pangarap ang nawala sa kanila kundi ang kanilang kabuhayan at literal na masisilungan sa pagsapit ng dilim. paano na ang mga bata? paano na ang mga drayber? kung tutuusin sila ang bumubuo ngayon ng pagkakakilanlan ng pantranco. saan sila pupulutin? baka sa FTI, north triangle o payatas.

samantala, paalam muna sa pantranco. tuloy ang byahe ng miserableng buhay para sa mga nakatira dito.